Saturday, February 25, 2012

Mandurukot Salisi Gang Sa MRT! Riders BEWARE!


Last week (January 11, 2012), nadukutan ako ng phone sa MRT Boni Station. My phone was inside my bag and that time ginagamit ko phone ko as music player. Suddenly I noticed na nawala yung sound. I immediately checked on it and saw that my bag was already opened. I took notice of the hand na may hawak pa ng phone ko. I screamed and asked for help trying na habulin yung kamay until nawala na ito sa aking view dahil sa mga taong papalabas at papasok ng tren. Some guys na nasa gitna ng coach ng MRT near sa door ay may itinuturong guy na lumabas daw at kita nila na yun ang kumuha. Dahil sa tiwala, lumabas ako ng MRT para try na habulin yung sinasabi nilang guy. I asked for help from the security ng MRT pero to my dismay hindi ako tinulungan ng guard on duty. Tumayo lang siya sa harap ko and pinanood habang nagsisisigaw ako na may magnanakaw and paki-try na iinspect yung mga lumalabas na tao. I tried to get back sa loob ng coach ng MRT kung saan ako lumabas kaso pilit na tumuturo sa labas yung mga tao sa loob na malapit sa pinto na habulin ko daw kasi nakita nila na lumabas yung magnanakaw. So clueless of what might happen, nagpasama na lang ako sa security guard para mag-report sa mga police na naka-assign sa Boni station. I don’t know why pa ako sumama sa taas kung alam ko naman na wala na sila magagawa. Sa loob-loob ko, kanina pa nakaaalis ng station yung mandurukot. So good bye phone :'(
  
Kanina (January 17, 2012), 2:15 PM, same station may nadukutan na guy. Actually, tinuturo niya yung isang lalaki kanina sa loob ng coach na nakasuot ng sunglasses at inaakusahaan na dinukutan siya. Just like me, nagsisisigaw yung guy na nadukutan. Since na-“caught in the act” niya na dinukutan siya nung lalaki, malaki ang chance na maibalik sa kanya yung phone. Pero- HINDI  nangyari yun.




Una, tulad ng nangyari sakin, tumayo lang yung guard sa MRT at hindi nagkaroon ng further investigation. He should have asked the train operator na patigilin sandali yung biyahe, pero wala- tumunganga lang siya dun habang nagpapaliwanag yung victim kung ano nangyari. Pangalawa,nandito na naman itong mga pasahero na tumuturo na nakita daw nilang lumabas yung nandukot at hindi daw yung nakasunglasses. Sa katunayan ilan pa dito ang tila pinagtatawanan yung nanakawang guy at sinasabing "...eh ang dami naka-shades dito, wala dito nagnakaw. ayun lumabas..." WTF?? As in ganun sila ka-vigilant to take notice kung sino nandukot at san ito nagpunta? Kung nakita nila, they could have declared nung nasa loob ng coach pa lang na may nandudukot  na sa loob.

In the end hindi rin nakuha yung mobile phone nung guy. Nagsara yung train at patuloy sa biyahe. Sa loob, halatang nagtitinginan, nagsesenyasan, at nagbubulungan yung certain group of guys (isa na dun yung tinuturong suspect na kumuha ng phone). Pagdating ng Buendia Station ay sabay sabay silang bumaba and I heard yung isa na ngingiti-ngiti pang nagsabi ng “…baba na tayo. Wala naman sila magagawa…”

Naging malinaw sa akin na ganito ang modus operandi nila: isa sa grupo ang mandudukot/magnanakaw ng phone/gadget. Kung hindi napansin ng biktima- e di mission accomplished! Pero oras na mahuli o makaramdam ang biktima ay ituturo ng mga kasabwat/accomplice na lumabas yung magnanakaw para ma-divert ang attention ng biktima ganun din ng iba pang pasahero. Dahil sa taranta ng biktima aakalain nito na lumabas nga ang mandurukot. At hindi mapapansin na nasa loob talaga ang nagnakaw ng gadget niya. PERO hindi lang ito ang style/techniques nila. Madami pa. (e.g. https://www.facebook.com/reverlindi/posts/2645816258028)
  
CONSTANT VIGILANCE: So the next time you ride the MRT, make sure na alerto kayo. If may bag kayong dala, better if nasa harap niyo para visible sa inyo. Ang mga valuables (e.g. mobile phone, wallet, player) ay ilagay kung san hindi ito madaling makukuha (e.g. sa pagitan ng mga gamit sa loob ng bag or side pocket/s ng pants). Hangga’t hindi nahuhuli ang gang or grupo ng mandurukot, patuloy nilang maisasagawa ang kanilang modus operandi sa MRT.

At para naman sa MRT Authority, please be responsive on these kind of incidences. Alam po namin na responsibility ng pasahero ang sarili nilang mga dalang gamit. However, hindi naman po yata tama na sa loob mismo ng MRT ay may nagaganap na nakawan . Sana ay magkaroon ng further investigations para mapanagot ang mga may sala at upang matigil na ang ganitong iregularidad at krimen sa MRT.

Please share. Ingat!

-Darcy de Ramos

1 comment:

Anonymous said...

Ako nanakawan ako sa mrt boni din. Actually nasa harap na ung bag ko, ang modus nila kunwari may nwalan ng cellphone sa kasamahan nila para madistract mga pasahero at para d mamalayang ginigitgit na pala nila ako. Pagdating ng shaw dun ko na nakita na wala na wallet ko. So sad that there are people that have that kind of job. Shame on them.

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails