Saturday, February 25, 2012

Justice for Myka Guetierrez! Find the Murderer Kristoffer Von Moraleja!!




COED, INATADO NG NOBYO

||| MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 21-anyos na tourism student makaraang pagsasaksakin ng kanyang kasintahan sa gitna ng kanilang pagtatalo, kamaka­lawa ng gabi sa Pasay City.

Hindi na umabot ng buhay sa Pasay City General Hospital sanhi ng 10 saksak sa katawan ang biktimang nakilalang si Mizzele Jamyka Gutierez, graduating student ng St. Paul University at naninirahan sa Tirona Street, Olivarez Compound, Sitio Sto. Niño, Sucat, Parañaque City.

Pinaghahanap naman nga­yon ng mga awtoridad ang tumakas na suspek na si Kris­toffer Von Moraleja, 19-anyos, ng Sarrial Street, Decena, Pasay City.

Sa ulat ng Pasay police, naganap ang krimen dakong alas-7:45 ng gabi sa loob ng bahay ni Moraleja. Ayon sa nakababatang kapatid ng suspek na si Kristian, 14-anyos, nakita niyang nagtatalo ang kanyang kuya at si Gutierez kaya umalis siya ng bahay at isinumbong sa kanyang ama na dumadalo sa isang pulong sa barangay.

Mabilis na bumalik sa kanilang bahay ang mag-ama kasama ang ilang barangay tanod kung saan inabutan na duguan ang biktima makaraang pagsasaksakin umano ng suspek. Mabilis namang isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit hindi na umabot ng buhay.

Patuloy ang imbestiga­syon ngayon ng mga awtoridad sa naturang insidente kung saan aalamin rin ang posibleng takipan at kapabayaan ng mga barangay tanod sa naturang krimen kung saan maaari ring masampahan ang mga ito ng kasong kriminal.



No comments:

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails